Tuesday, May 01, 2012

////

TAGA -LUPA




Parehas kami ng matanggap sa trabaho , pareho kami ng department ,
pareho pa kami ng first name.Nakakatuwa naman.

Pero doon na natapos ang pagkakapareho namin, dahil siya ay maganda ,matalino ,
sexy, at cum laude .Ako?um…mabait..at high school graduate.

At dahil pareho name namin, nalilito ang mga tao sa department namin.
Kaya biro niya: “Sa apelyido,niyo na lang kami tawagin, kung ako Engcantada ,
eh di siya Taga-lupa.hahaha! Just kidding!” Tawanan ang lahat .
Ok lang, biruan lang naman eh at masaya ang lahat.

Pero di pala pwedeng magsama ang tagalupa at engkantada,
at lalong di pala pwedeng mapantayan ng isang taga-lupang high school graduate
ang isang engkantadang college graduate.

Hindi daw ako karapat-dapat sa position ko.

Unfair daw.

Si ateng janitress nga daw, college level.

Tapos ako office staff…

Siguro daw malakas ang backer ko…

Siguro daw mistress ako…

Siguro daw sip-sip ako…

Hindi niya ba naisip na baka ako ang nawawalang anak ng CEO?

Pero sa mga soap opera lang nangyayari yun.

At sabi naman ng mga kaibigan ko sa office, siya naman daw ang pinagsama-samang kontrabida sa mga soap opera.

Matagal na yun…natatawa na nga lang ako pag naaalalala ko yun .

Sa totoo lang, grateful ako sa kanya.

Dahil kasi sa kanya bumalik ako sa skwela

Dahil sa kanya natuto ako.

Dahil sa kanya nabago mundo ko.

Mundo na ng koliheyo.

Dahil sa kanya nalaman ko din ang masakit na katotohanan ,na may mga tao sa lipunan na
 ginagawang batayan ng pagkatao ang pinag-aralan at hindi ang abilidad at kakayanan.

But above all those things,actually para sa kanya ang makukuha kong diploma.

Ang bait ko naman daw sabi nila…

The truth is,yung diploma…

Isasampal ko sa mukha niya.

Sa mukha ni Engcantada.

Dahil sa fairytale lang

nagpapa-api ang isang…

Taga-Lupa.

0 Reactions to this post

Add Comment

    Post a Comment