Tuesday, May 01, 2012

PISONG ULAM



Bago na pala pambansang ulam ngayon nuh??
Noong bata pa ako ang alam kong pambansang ulam ay GG.
O isdang galunggong,ang nadatnan ko pang presyo noon ay
sampung piso kada kilo..
(Php10?ang tanda mo na pala anna?!-editor)


Pwede mo pang i-recycle ang GG…
Mula sa paksiw..pwede mo pang i-prito…
at pag may natira sa prito…
pwede mo pang isarsiado..lam mo yun?
ginisang pritong GG na may itlog?
(sobra-sobra namang food recycle yan-editor)


Pero ngayon isang daan na yata kada kilo ng GG o mahigit pa.
At dahil sa sobrang laki ng itinaas ng presyo
 hindi na makayanan ni Juan Dela Cruz  ang presyo ng simpleng GG.
Napalitan ito ng sardinas-Ligo, 555, Youngstown,Mega.
Mula sa totoong isda naging isdang de lata na…
.. wala ng ulo’t buntot…at may kunting sabaw pa.
Swerte mo pa pag ang laman ay lima…
Malapot … Masarsa…at Malansa.


Pero gaya din ng GG tumaas ang presyo ng sardinas
at idagdag mo pa ang pagdami ng pupolasyon ng mahihirap…
di na kasya ang kakarampot na sardinas sa lumalaking pamilya.
Kaya mula sa sardinas ay naging noodles.
Hmmm…sino nga naman ang di magugustuhan ang noodles?
Mainit…May sabaw..sabaw pa lang solve na…ingat lang baka malunod ka.
Dahil kadalasan ang mahihirap nilalagyan ‘to
ng isang drum ng sabaw para lang magkasya sa buong pamilya.
Madami pang choices…Manok o baka…may seafood pa.
Sarap.
Isang pakete, busog na si Ama’t Ina,si ate at si kuya…kasya na sa isang pamilya.
Pero nagulat ako ng malaman ko na hindi na pala ito ang mabait sa bulsa ng mga mahihirap…
Hindi na pala ito ang pampatawid gutom nila at kasama sa malamig na kanin.


Kundi…handa ka na ba?
DeepSea! Pee wee! Bangus ! at Oishi!
O kahit na anung maalat na tig mamisong chichirya..o junk food.
Sa piso nga naman may ulam ka na…
Teka kelan pa naging ulam to?
Ang sardinas at noodles nga hindi na masustansya,
Ito pa kaya? Nakakasira ng bituka ‘to di ba?
Ganito na ba kahirap ang Pinoy?
Napakayaman ng Pilipinas…
Pero..Bakit..Paano…Subalit…Kelan..Ngunit…
Bakit nakakaranas ng ganitong kahirapan?
Bakit may nag uulam ng chichirya?
(Buti nga sila may kinakain yung iba wala eh!!- editor )
(Walang siraan ng moment!! – anna)


Kahit gaano ko pilitin, hindi ko kayang haluan ng humor ang topic na ito.
.
Chichirya?ulam na?…tsk tsk…
Hindi ako makapaniwala at makatulog.
Masubukan nga kung masarap ba  i-ulam ang pisong chirchirya.
Ikaw?DeepSea, Pee wee, Bangus o Oishi?
(Chicharon!!Peace -editor)
(tae…-anna)



(originally posted on my blog on Friendster-Anna’s Attic  Feb 21, 2010 12:05 am)



0 Reactions to this post

Add Comment

    Post a Comment